Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.

  2. At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.

  3. At ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.

  4. Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.

  5. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;

  6. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.

  7. At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;

  8. Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.

  9. Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.

  10. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;

  11. At sa kanila kukuha ng kasumpaan sa lahat ng bihag sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.

  12. Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at ako'y saksi, sabi ng Panginoon.

  13. Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at kay Sophonias na anak ni Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi,

  14. Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na ulol, at nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at sa mga tanikala.

  15. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

  16. Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.

  17. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.

  18. Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

  19. Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.

  20. Sapagka't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon na aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang Israel at Juda, sabi ng Panginoon, at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.

  21. At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda.

  22. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan.

  23. Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at ang lahat na mukha ay naging maputla?

  24. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:

  25. Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.