Skip to content

Deborah

9 talata · 1 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Deborah

  1. Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon.

  2. At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Beth-el, sa lupaing maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol.

  3. At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.

  4. At tinawag ni Barac ang Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya.

  5. At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.

  6. Nang magkagayo'y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,

  7. Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat, Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon, Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.

  8. Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit: Bumangon ka, Barac, at ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.

  9. At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac, Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan. Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.