Skip to content
Genesis 26:28-33

Genesis 26:28-33

28
At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:
29
Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon.
30
At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.
31
At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.
32
At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.
33
At tinawag niyang Seba: kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon.
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Options