Mga Taga-Galacia 1:1-5
1
¶ Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya'y muling bumuhay;)
2
At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko, sa mga iglesia ng Galacia:
3
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo,
4
Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:
5
Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Settings