Mga Awit8
Listen to this chapter
0:00
0:00
Ang Maharlikang Pangalan at Kaluwalhatian ng Diyos
1
Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2
Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
Pagninilay sa mga Langit
3
Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4
Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Ang Itinaas na Kalagayan at Pamamahala ng Sangkatauhan
5
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6
Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7
Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang;
8
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
Pangwakas: Panibagong Pagpupuri
9
Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Use ← → arrow keys to navigate
Settings
Reading Style
Typeface
Font Size px
Reading Width chars
Options
Study Note