Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Woman: Often treated with great cruelty in war

6 talata · 73 aspeto

Mga talata tungkol sa Often treated with great cruelty in war

  1. Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.

  2. At sinabi ni Hazael, Bakit umiyak ang panginoon ko? At siya'y sumagot, Sapagka't talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel: ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy, at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak, at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata, at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis.

  3. Ang binata at ang matanda ay humihiga sa lupa sa mga lansangan; ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak: iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; iyong pinatay at hindi ka naawa.

  4. Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.

  5. Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.

  6. Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.