Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tribute

72 talata · 24 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.

  2. Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon.

  3. Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

  4. Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

  5. At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

  6. Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

  7. At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at naging mga alilang tagapagatag.

  8. Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron, ni ang mga nananahan sa Naalol; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila, at naging mga tagapagpaatag.

  9. Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob:

  10. Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo, na mga taga lupaing yaon: sapagka't hindi nila pinalayas sila.

  11. Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes, ni ang mga nananahan sa Beth-anath; kundi siya'y tumahan sa gitna ng mga Cananeo, na nagsisitahan sa lupaing yaon: gayon ma'y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya.

  12. Nguni't inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres, sa Ajalon, at sa Saalbin: gayon ma'y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose, na anopa't sila'y naging mga tagapagpaatag.

  13. At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari.

  14. At kaniyang sinabi, Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo: kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo, at upang maging mga mangangabayo niya; at sila'y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo;

  15. At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin; at ang iba ay upang umararo ng kaniyang lupa, at umani ng kaniyang aanihin, at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma, at sangkap sa kaniyang mga karo.

  16. At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, at maging mga tagapagluto, at maging mga magtitinapay.

  17. At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid, at ang inyong mga ubasan, at ang inyong mga olibohan, sa makatuwid baga'y ang pinakamabuti sa mga yaon, upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod.

  18. At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi, at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal, at sa kaniyang mga lingkod.

  19. At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang inyong pinakamabuting bataan, at ang inyong mga asno, at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain.

  20. Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan: at kayo'y magiging kaniyang mga lingkod.

  21. At si Adoram ay nasa mga magpapabuwis at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni:

  22. At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay; at si Adoniram na anak ni Abda ay nasa mga magpapabuwis.

  23. At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel, na sila ang nag-iimbak ng pagkain ukol sa hari, at sa kaniyang sangbahayan: bawa't isa sa kanila'y nag-iimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa't taon.

  24. At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake.

  25. At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag.