Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Poor: Oppress

8 talata · 92 aspeto

Mga talata tungkol sa Oppress

  1. Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.

  2. Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.

  3. Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.

  4. Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw.

  5. Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.

  6. May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha:

  7. Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;

  8. Pumighati ng dukha at mapagkailangan, sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas, hindi nagsauli ng sangla, at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan, gumawa ng kasuklamsuklam.