Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Ostrich

9 talata · 9 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat:

  2. Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz.

  3. Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo?

  4. Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok,

  5. At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop.

  6. Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;

  7. Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa.

  8. Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.

  9. Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso, nangagpapasuso sa kanilang mga anak: ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik, parang mga avestruz sa ilang.