Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Sickness: Acknowledge that, comes from God

10 talata · 47 aspeto

Mga talata tungkol sa Acknowledge that, comes from God

  1. Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag akong mapahiya kailan man; palayain mo ako sa iyong katuwiran.

  2. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, bahay na sanggalangan upang iligtas ako.

  3. Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.

  4. Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.

  5. Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.

  6. Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan: nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.

  7. Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob: sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian: iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:

  8. At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.

  9. Ang tirahan ko'y inaalis, at dinadala na gaya ng tolda ng pastor: Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

  10. Anong aking sasabihin? siya'y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa: Ako'y yayaong marahan lahat kong taon, dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.