Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Porters

29 talata · 8 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At ang mga tagatanod-pinto: si Sallum, at si Accub, at si Talmon, at si Ahiman: at ang kanilang mga kapatid (si Sallum ang puno),

  2. Na hanggang ngayo'y namamalagi sa pintuang-daan ng hari na dakong silanganan: sila ang mga tagatanod-pinto sa kampamento ng mga anak ni Levi.

  3. At si Sallum na anak ni Core, na anak ni Abiasath, na anak ni Corah, at ang kaniyang mga kapatid, sa sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod, na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon, na mga tagapagingat ng pasukan.

  4. At si Phinees na anak ni Eleazar ay pinuno sa kanila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay sumasa kaniya.

  5. Si Zacarias na anak ni Meselemia ay tagatanod-pinto ng tabernakulo ng kapisanan.

  6. Lahat ng mga ito na mga napili upang maging mga tagatanod-pinto sa mga pintuang-daan ay dalawang daan at labing dalawa. Ang mga ito'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon, na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita.

  7. Sa gayo'y sila, at ang kanilang mga anak ay namahala na pinakabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ng bahay ng tabernakulo, ayon sa paghahalinhinan.

  8. Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto, sa dakong silanganan, kalunuran, hilagaan, at timugan.

  9. At ang kanilang mga kapatid, sa kanilang mga nayon, ay paroroon sa bawa't pitong araw, tuwing kapanahunan upang sumakanila:

  10. Sapagka't ang apat na punong tagatanod-pinto, na mga Levita, ay nangasa takdang katungkulan, at nangasa mga silid at sa mga ingatangyaman sa bahay ng Dios.

  11. At sila'y nagsitahan sa palibot ng bahay ng Dios, sapagka't ang katungkulan doon ay kanila, at sa kanila nauukol ang pagbubukas tuwing umaga.

  12. At ang ilan sa kanila ay may katungkulan sa mga kasangkapan na ipinaglilingkod; sapagka't ayon sa bilang ipinapasok, at ayon sa bilang inilalabas.

  13. Ang ilan naman sa kanila ay nangahalal sa kasangkapan, at sa lahat ng mga kasangkapan ng santuario, at sa mainam na harina, at sa alak, at sa langis, at sa kamangyan, at sa mga espesia.

  14. At ang ilan sa mga anak ng mga saserdote ay nagsisipaghanda ng paghahalohalo ng mga espesia.

  15. At si Mathathias, na isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Sallum na Coraita, may takdang katungkulan sa mga bagay na niluluto sa kawali.

  16. At ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Coatita, ay nangasa tinapay na handog upang ihanda bawa't sabbath.

  17. Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

  18. At sila'y nangagsapalaran, gayon ang maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.

  19. At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.

  20. Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.

  21. Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.

  22. Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.

  23. Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.

  24. Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.

  25. Ito ang bagay na inyong gagawin: isang ikatlong bahagi ninyo, na pumapasok sa sabbath, sa mga saserdote at sa mga Levita, magiging mga tagatanod-pinto;