Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Porters: They served in twenty-four courses

7 talata · 8 aspeto

Mga talata tungkol sa They served in twenty-four courses

  1. At sila'y nangagsapalaran, gayon ang maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.

  2. At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.

  3. Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.

  4. Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.

  5. Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.

  6. Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.

  7. Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.