Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Paul: Is taken to Rome in custody of Julius, a centurion, and guard of soldiers; takes shipping, accompanied by other prisoners, and sails by way of the coasts of Asia; stops at Sidon, and at Myra

5 talata · 103 aspeto

Mga talata tungkol sa Is taken to Rome in custody of Julius, a centurion, and guard of soldiers; takes shipping, accompanied by other prisoners, and sails by way of the coasts of Asia; stops at Sidon, and at Myra

  1. At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia, ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, sa pulutong ni Augusto.

  2. At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto, na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia, ay nagsitulak kami, na kasama namin si Aristarco na isang taga Macedonia mula sa Tesalonica.

  3. At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon: at pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo, at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan, at siya'y magpakaginhawa.

  4. At nang kami'y magsitulak buhat doon, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre, sapagka't pasalunga ang hangin.

  5. At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia, ay nagsirating kami sa Mira, na isang bayan ng Licia.