Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Parents

156 talata · 48 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Datapuwa't pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.

  2. At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.

  3. At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

  4. At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!

  5. Sapagka't siya'y aking kinilala, upang siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.

  6. At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.

  7. At sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:

  8. At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:

  9. Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.

  10. At tinawag ni Isaac si Jacob, at siya'y binasbasan, at siya'y pinagbilinan, na sinabi sa kaniya, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.

  11. Tumindig ka, pumaroon ka sa Padan-aram, sa bahay ni Bethuel, na ama ng iyong ina, at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban, na kapatid na lalake ng iyong ina.

  12. At itiningin ni Esau ang mga mata niya, at nakita ang mga babae at ang mga bata, at sinabi, Sinosino itong mga kasama mo? At kaniyang sinabi, Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod.

  13. At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

  14. Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;

  15. At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya.

  16. At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.

  17. At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,

  18. Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.

  19. At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.

  20. At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.

  21. At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa.

  22. At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.

  23. Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, at siyang pasimula ng aking kalakasan; Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.

  24. Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan, Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama: Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan.

  25. Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.