Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Melzar: The steward whom the prince of the eunuchs set over Daniel and the three Hebrew children.

6 talata · 1 aspeto

Mga talata tungkol sa The steward whom the prince of the eunuchs set over Daniel and the three Hebrew children.

  1. Nang magkagayo'y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias:

  2. Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.

  3. Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.

  4. Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.

  5. At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.

  6. Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.