Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Instruction: Unclassified scriptures relating to

179 talata · 2 aspeto

Mga talata tungkol sa Unclassified scriptures relating to

Salain ayon sa aklat
  1. Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe, sa makatuwid bagay si Ben-hail, at si Obdias, at si Zacharias, at si Nathaniel, at si Micheas, upang mangagturo sa mga bayan ng Juda.

  2. At kasama nila ang mga Levita, na si Semeias, at si Nethanias, at si Zebadias, at si Asael, at si Semiramoth, at si Jonathan, at si Adonias, at si Tobias, at si Tob-adonias, na mga Levita; at kasama nila si Elisama, at si Joram na mga saserdote.

  3. At sila'y nangagturo sa Juda, na may aklat ng kautusan ng Panginoon; at sila'y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan.

  4. Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:

  5. Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.

  6. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.

  7. Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:

  8. Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:

  9. Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:

  10. At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,

  11. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.

  12. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.

  13. Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

  14. Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.

  15. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.

  16. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

  17. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.

  18. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.

  19. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

  20. Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

  21. Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.

  22. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.

  23. Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.

  24. Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

  25. Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.