Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Impenitence

170 talata · 1 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon.

  2. Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob.

  3. Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo.

  4. Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

  5. Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig.

  6. At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.

  7. Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.

  8. Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.

  9. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi,

  10. Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, at tumangis ng ikalima at ikapitong buwan, nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin?

  11. At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?

  12. Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan?

  13. At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi,

  14. Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid,

  15. At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid.

  16. Nguni't kanilang tinanggihang dinggin, at kanilang iniurong ang balikat, at nagtakip ng pakinig, upang huwag nilang marinig.

  17. Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo.

  18. At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo;

  19. Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain.

  20. Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.

  21. At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.

  22. Sapagka't naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.

  23. Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.

  24. Nang magkagayo'y kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi.

  25. Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Bethsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo.