Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Frugality: General references

10 talata · 1 aspeto

Mga talata tungkol sa General references

  1. Sa gayo'y naparoon siya at ginawa ang ayon sa salita ng Panginoon: sapagka't siya'y pumaroon at tumahan sa tabi ng batis Cherith, na nasa tapat ng Jordan.

  2. At dinadalhan siya ng tinapay at laman ng mga uwak sa umaga, at tinapay at laman sa hapon, at siya'y umiinom sa batis.

  3. Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Sarepta; at nang siya'y dumating sa pintuan ng bayan, narito, isang baong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat: at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na dalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman, upang aking mainom.

  4. At nang siya'y yumayaon upang kumuha, tinawag niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo, ng isang subong tinapay sa iyong kamay.

  5. At kaniyang sinabi, Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako'y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako'y namumulot ng dalawang patpat, upang ako'y pumasok, at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay.

  6. At sinabi ni Elias sa kaniya, Huwag kang matakot; yumaon ka, at gawin mo ang iyong sinabi, nguni't igawa mo muna ako ng munting tinapay, at ilabas mo sa akin, at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at para sa iyong anak.

  7. Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:

  8. Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.

  9. Datapuwa't may ilan na nangagalit sa kanilang sarili, na nagsipagsabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento?

  10. Sapagka't ang unguentong ito'y maipagbibili ng mahigit sa tatlong daang denario, at maibibigay sa mga dukha. At inupasalaan nila ang babae.