Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Family: Government of

8 talata · 3 aspeto

Mga talata tungkol sa Government of

  1. Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.

  2. Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:

  3. Sapagka't hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;

  4. Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.

  5. Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.

  6. Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

  7. Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan;

  8. (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)