Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Eternal Life

19 talata · 33 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay.

  2. Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.

  3. Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?

  4. Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.

  5. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.

  6. Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.

  7. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya.

  8. Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.

  9. Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.

  10. Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;

  11. Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;

  12. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:

  13. Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:

  14. Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

  15. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;

  16. Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;

  17. At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;

  18. Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.

  19. Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios: