Mga talata sa Bibliya tungkol sa Eternal Life: Cannot be inherited by works
Mga talata tungkol sa Cannot be inherited by works
Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;
Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;
Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.
Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios: