Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Damascus: Paul's experiences in

21 talata · 12 aspeto

Mga talata tungkol sa Paul's experiences in

  1. Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan.

  2. At nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko.

  3. At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

  4. At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig.

  5. At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin.

  6. At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo.

  7. At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon, palibhasa'y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko, ay pumasok ako sa Damasco.

  8. At isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon,

  9. Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao'y tumingin ako sa kaniya.

  10. At sinabi niya, Ang Dios ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig.

  11. Sapagka't magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig.

  12. At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.

  13. Hinggil dito sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote,

  14. Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko.

  15. At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis.

  16. At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.

  17. Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;

  18. Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita,

  19. Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

  20. Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan:

  21. Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.