Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Birthright: Sold by Esau

8 talata · 6 aspeto

Mga talata tungkol sa Sold by Esau

  1. At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:

  2. At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.

  3. At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

  4. At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

  5. At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.

  6. At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

  7. Ay sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.

  8. Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.