Mga talata sa Bibliya tungkol sa Birds: What species were unclean
Mga talata tungkol sa What species were unclean
At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat:
At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kaniyang pagkalimbas;
Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak;
At ang avestruz, at ang chotacabras at ang gaviota, at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan;
At ang maliit na kuwago, at ang somormuho, at ang malaking kuwago;
At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano, at ang buitre;
At ang ciguena, ang tagak ayon sa kaniyang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.
Lahat na may pakpak na umuusad na lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo.
Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;
At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;
At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;
At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;
Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;
At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;
At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.
At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin.