Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Birds: (Snaring,) of designs of the wicked

8 talata · 107 aspeto

Mga talata tungkol sa (Snaring,) of designs of the wicked

  1. Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.

  2. Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;

  3. Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;

  4. Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;

  5. Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:

  6. Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:

  7. Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.

  8. Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: