Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa All Christians Should Be As Missionaries: In aiding ministers in their labours

7 talata · 66 aspeto

Mga talata tungkol sa In aiding ministers in their labours

  1. Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,

  2. Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.

  3. At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.

  4. Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.

  5. At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa Macedonia, alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;

  6. Sapagka't sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.

  7. Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay: