Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Ahinoam

6 talata · 2 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam, na anak ni Aimaas: at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner, amain ni Saul.

  2. Kinuha naman ni David si Ahinoam, na taga Jezreel; at sila'y kapuwa naging asawa niya.

  3. At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at ang kaniyang mga lalake, bawa't lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayan, sa makatuwid baga'y si David pati ng kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal.

  4. At ang dalawang asawa ni David ay nabihag, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail, na asawa ni Nabal, na taga Carmelo.

  5. At binawi ni David ang lahat na nakuha ng mga Amalecita: at iniligtas ni David ang kaniyang dalawang asawa.

  6. At nagkaanak si David sa Hebron: at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga Jezreel;