Skip to content

Beth-aven

7 verses

31.8900, 35.2500 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Beth-aven

  1. At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.

  2. At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng Beth-aven.

  3. At ang mga Filisteo ay nagpupulong upang lumaban sa Israel, tatlong pung libong karo, at anim na libong mangangabayo, at ang bayan na gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan: at sila'y umahon at humantong sa Michmas sa dakong silanganan ng Beth-aven.

  4. Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon: at ang pagbabaka ay napalipat sa Beth-aven.

  5. Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Bethaven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon.

  6. Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin.

  7. Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.