Skip to content

Pekah

11 talata · 1 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Pekah

  1. At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya.

  2. Nang ikalimangpu't dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria, at nagharing dalawangpung taon.

  3. Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang Ihion, at ang Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang Cedes, at ang Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.

  4. At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias, at sinaktan niya siya, at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya, nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia.

  5. Ang iba nga sa mga gawa ni Peka, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

  6. Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel, ay nagpasimulang maghari si Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda.

  7. Nang mga araw na yao'y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si Resin na hari sa Siria, at si Peka na anak ni Remalias.

  8. Nang ikalabing pitong taon ni Peka na anak ni Remalias ay nagpasimulang maghari si Achaz na anak ni Jotham na hari sa Juda.

  9. Nang magkagayo'y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma: at kanilang kinulong si Achaz, nguni't hindi nila nadaig.

  10. Sapagka't si Peca na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isang daan at dalawangpung libo sa isang araw, silang lahat ay mga matapang na lalake; sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang.

  11. At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; nguni't hindi nanganaig laban doon.