Nahor
Kilala rin bilang: Nachor
Mga talatang bumabanggit kay Nahor
At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:
At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:
At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
At sinabi ni Josue sa buong bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog, na dili iba't si Thare, na ama ni Abraham at ama ni Nachor: at sila'y naglingkod sa ibang mga dios.
Si Serug, si Nachor, si Thare;
Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor,