Skip to content
Marcos 1:1-4

Marcos 1:1-4

1
Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios.
2
Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan;
3
Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;
4
Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain