Exodo 1:1-10
1
¶ Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.)
2
Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda;
3
Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin;
4
Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser.
5
At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na.
6
At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon.
7
At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila.
8
May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.
9
At sinabi niya sa kaniyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin:
10
Hayo't tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.
Settings