Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Vine: Pruned

6 talata · 5 aspeto

Mga talata tungkol sa Pruned

  1. At aking pababayaang sira; hindi kakapunin o bubukirin man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik: akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan.

  2. Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.

  3. Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.

  4. Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.

  5. Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.

  6. Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.