Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Titles and Names of Christ: Angel of the Lord

5 talata · 117 aspeto

Mga talata tungkol sa Angel of the Lord

  1. At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.

  2. At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing.

  3. At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Bagaman ako'y iyong pigilin, hindi ako kakain ng iyong pagkain: at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin, ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon. Sapagka't hindi naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.

  4. At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan?

  5. At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas?