Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Miracles of Christ: Tempest stilled
Mga talata tungkol sa Tempest stilled
At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad.
At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog.
At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay.
At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon.
At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.