Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Prayer Under Affliction: For deliverance

8 talata · 17 aspeto

Mga talata tungkol sa For deliverance

  1. Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.

  2. Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.

  3. Iurong mo sa akin ang iyong suntok: ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.

  4. Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong bayan.

  5. Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira.

  6. Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira.

  7. Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?

  8. Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.