Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Months: The year composed of twelve

16 talata · 20 aspeto

Mga talata tungkol sa The year composed of twelve

  1. Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  2. Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.

  3. At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  4. Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  5. Ito yaong Benaias na siyang makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak.

  6. Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  7. Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  8. Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  9. Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  10. Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  11. Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  12. Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  13. Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  14. Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

  15. Nang sumapit nga ang paghahalihalili ng bawa't dalaga na pasukin ang haring Assuero, pagkatapos na magawa sa kaniya ang ayon sa kautusan sa mga babae, na labing dalawang buwan, (sapagka't ganito nagaganap ang mga araw ng kanilang paglilinis, sa makatuwid baga'y anim na buwan na ma'y langis na mirra, at anim na buwan na may mainam na pabango, at ng mga bagay na ukol sa paglilinis ng mga babae.)

  16. Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.