Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Mark

6 talata · 5 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.

  2. At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan, na tinatawag na Marcos.

  3. Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain.

  4. At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni Bernabe si Marcos, at lumayag sa Chipre:

  5. Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),

  6. At si Jesus na tinatawag na Justo, na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.