Mga talata sa Bibliya tungkol sa Happiness of Saints In This Life: Described by Christ in the beatitudes
Mga talata tungkol sa Described by Christ in the beatitudes
Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.
Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.
Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.