Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Condescension of God

7 talata · 1 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?

  2. Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.

  3. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:

  4. Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,

  5. Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?

  6. Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;

  7. Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan: