Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Bread: Multitudes miraculously fed by Christ with

7 talata · 53 aspeto

Mga talata tungkol sa Multitudes miraculously fed by Christ with

  1. At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.

  2. At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang bakol na puno.

  3. At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.

  4. At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.

  5. At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;

  6. At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.

  7. At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.