Mga talata sa Bibliya tungkol sa Adah: 1. Wife of Lamech
Mga talata tungkol sa 1. Wife of Lamech
At si Lamec ay nagasawa ng dalawa; ang pangalan ng isa'y Ada, at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla.
At naging anak ni Ada si Jabal: na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop.
At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal: na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta.
At tungkol kay Zilla, ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal: at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama.
At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa: Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig: Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay: Sapagka't pumatay ako ng isang tao, dahil sa ako'y sinugatan, At ng isang binata, dahil sa ako'y hinampas.