Skip to content

Jonadab

7 talata · 1 kapamilya

Kilala rin bilang: Jonathan

Mga talatang bumabanggit kay Jonadab

  1. Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya.

  2. At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay.

  3. At si Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David, ay sumagot at nagsabi, Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari, sapagka't si Amnon lamang ang patay: sapagka't sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar.

  4. At sinabi ni Jonadab sa hari, Narito, ang mga anak ng hari ay nagsisidating: kung ano ang sinabi ng inyong lingkod, ay nagkagayon.

  5. At nang kaniyang hamunin ang Israel, ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David.

  6. At nang kaniyang hamunin ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David.

  7. At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari: