Skip to content
Mga Awit 20:6-9

Inililigtas ng Panginoon ang Kaniyang Pinahiran

Mga Awit 20:6-9
6
Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7
Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8
Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9
Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain