Skip to content
Mga Kawikaan 25:1-5

Mga Kawikaang Kinopya ng mga Tauhan ni Hezekias: Kaluwalhatian ng Dios at Tungkulin ng Hari

Mga Kawikaan 25:1-5
1
Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
2
Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
3
Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
4
Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
5
Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain