Mga Bilang 15:17-19
17
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
18
Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupaing aking pinagdadalhan sa inyo,
19
Ay mangyayari nga, na pagkain ninyo ng tinapay sa lupain, ay maghahandog kayo ng isang handog na itinaas sa Panginoon.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain