Skip to content
Mateo 14:15-18

Mateo 14:15-18

15
At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain.
16
Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.
17
At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
18
At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Options