Itinatakwil ni Efraim ang mga Diyus-diyosan at ang mga Tuwid na Daan ng Panginoon
8
Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.
9
Sino ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain
Settings