Pamagat at Panalangin para sa Pagpapanibago
1
Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
2
Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain