Skip to content
Exodo 39:14-17

Exodo 39:14-17

14
At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi.
15
At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto.
16
At sila'y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto, at ng dalawang singsing na ginto; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral.
17
At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain